|
|
Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?
ni Mark Anthony V. Obsioma
Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.
Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?
Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo'y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya'y hinahabol. Ikaw'y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila'y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya'y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya'y lumabas na? Napag-usaupan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama't ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan.
Paano na lang ang sinabi ni Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan" kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti siguro'y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang na mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.
Ina, bakit ninyo ako ginawa?
|
7  :  3 | 70% AC
|
|
 |
|
|
SINE-SINE LANG
Sine-Sine Lang
ni MARK ANTHONY V. OBSIOMA
Wanted: Trabaho!
“Uyy… Ano ‘to, trabaho? Talaga namang sinuswerte ka ah… hehe”
Iyan si Mark ang taong palaging naghahanap ng trabaho. Talagang masipag si Mark … sa paghahanap ng trabaho. Hindi siya namimili ng trabaho kasi para sa kanya ay ang pagkakaroon ng trabaho ay makakatulong sa kanya sa pagpaparami ng mga karanasang trabaho. Ang ilan sa mga trabahong napasukan na niya ay ang pagiging isang waiter sa sikat na Japanese restawrant, iyon ang gusto niya subalit naging janitor lamang siya dahil sa nakabasag siya ng isang mamahaling gamit, kaya na demote. Naging isang clerk rin siya sa opisina … subalit napagbintangan siya na nagnakaw sa isang mamahaling vase sa opisina ng Institute Librarian sa isang sikat na unibersidad sa Iligan. Namasukan rin siya bilang isang manager sa isang manokan na restawrant pero naging isang taga-ihaw lamang siya dahil sa ninakaw ang ilang mga bote ng softdrinks kaya na demote na naman. Kaya talagang hindi namimili si Mark sa kung anong trabaho dahil kahit anong trabaho, malaki man o maliit ang sweldo basta ito’y mabuti at hindi galing sa masama ay marangal na iyon. Iyan si Mark ang masipag at hindi namimili ng trabaho.
Isa lamang si Mark sa ilang milyong Pilipino na naghahanap ng trabaho.
Isang umaga habang papunta n asana siya sa kanyang trabaho bilang isang supervisor sa isang malaking kompanya sa Cagayan de Oro, itago na lang natin ito sa pangalang Nesley.
“Prrrtttt!!..” sabi ng gwardya.
“Ano na naman ang problema mo gard? I.D lang ba. Nakita mo ‘to? I.D. ko yan… MARK ANTHONY V. OBSIOMA … gusto mo pa e-espel ko? MA-A-RA-KA-A-NA-TA-HA-O-NA-YA-VA-I-BA-SA-I-O-MA-A . Alam mo ba ‘yon? Alfabetong Pilipino ‘yon. Huh!” Buong pagmamalaki ni Mark sa gwardya.
“Alam ko ‘yon, ulol! Nakita mo ‘to? Di ba ikaw yan? Bawal ka ng pumasok sa kompanyang ito. Dahil sa ginawa mo sa president ng kompanya.”
Hindi na pinapasok si Mark sa kompanyang Nesley. Sapagkat hindi niya alam na ang taong pinagtitripan niya ang ang presidente ng kompanyang Nesley. Kaya mula sa opisina ay naglakad ito papuntang syudad. Sa kakalakad niya ay nakita niya ang karatulang: WANTED: TRABAHO!
Agad-agad niyang hinanap ang address na nakalagay sa karatula. Pinuntahan niya ang address hanggang sa nakita rin niya ang parehong karatula at siya’y pumasok.
“Ah eh, gard, gusto ko sanang mag apply.”
“Ah ganun ba? Ok, magbabayad ka muna para makapasok.”
“Magkano naman?”
“60 pesos”
“Ha? Ang mahal mahal naman. Hindi naman ako pumunta rito para magbayad. Pumunta ako rito para mag apply.”
“Oo, nga. Kaya magbayad ka muna.” Sabi ng gwardya.
“Pambihirang buhay to oh.”
Pumasok na si Mark sa loob ng establisamento. Ngunit panay ang sigaw niya dahil sa madilim ang lugar. Buong akala niya ay ang trabahong naghihintay sa kanya ay isang taga-ayos sa mga sirang bombilya o iyong electrician. Kaya proud na proud si Mark dahil ito’y pinag-aralan niya ng anim na buwan sa Mesda bilang bokasyunal na kurso. May nakita siyang mga taong nasa madilim na lugar habang may kasamang mga kapwa lalaki. Marami at ang iba’y tig-iisa.
Pumasok si Mark at buong akala’y isang electrician, isa lang palang tig-ooperate ng pelikula sa isang sinehan na puro bold ang palabas.
Haha! Kapag galing sa mabuting trabaho kahit malaki o maliit ang sweldo, ito’y marangal at dapat ipagmalaki.
http://maiklingkuwento.blogspot.com/ |
3  :  2 | 60% AC
|
|
 |
|
|
Sa Sulok
“Hump, hump. Inay…!” Nakaupo ka sa isang sulok. Paulit-ulit mong binibigkas ang mga katagang yaon. Nasa gitna ka ng kadiliman sa iyong silid. Bulong lang ang iyong naririnig sa di kalayuan.
Hinahaplos niya ang kanyang tiyan. Hindi mo gaanong pansin at maipaliwanag ang kanyang ngiti. Isanng malalim na kasiyahan. “Ang aking anak.” Bigkas niya sa sarili.
Ito ang simula…
Mahirap tandaan kung kelan mo unang nasilayan ang sikat ng araw. Iniisip mong ikaw ay kalong-kalong ng iyong ina sa mga oras na iyon. Siya ang iyong duyan. Ang iyong tagapaglingkod. Hindi niya hahayaang madapuan ka ng lamok at langaw.
“Inay…” ngayo’y binibigkas mo ng marahan. At patuloy ang pagbigat ng iyong dibdib. Dumarami lalo ang pag ulan sa iyo ng mga larawan. Di mo na pansin ang mga bulungan sa labas ng iyong silid.
Kahit ano pa ang pananaw ng iba’t ibang dalubhasa sa pag-aanalisa tungkol sa usapin sa pagiging ina. Mahirap maintindihan ang kahulugan nito. At walang ina ang hindi sukdulan ang pagmamahal sa kanyang anak.
“Uhaa! Uhaa!” hayan na siya. Nagmamadali. Iniwan ang mainit na tubig. Sa bawat hakbang ay mabigat ang bdibdib. Nag-aalala sa iyo. Kung bakit ka umiiyak. Kung anong nangyari. Kung nahulog ka ba’t nabagsak ang ulo. Kinagat ng lamok. Lahat ng iyo’y gumugulo sa kanya. Nababaliw. Nag-aalala.
“Ooh, baby ko Bakit ha…gutom ba ang baby ko?” Tinititigan ka niya’t pinagmamasdan. Nagpapasalamat na walang nangyari sa iyo.
Ang buong panahong iyo’y ikaw ang sentro ng pamilya. Ang nagmimistulang laruan at pampawala ng bigat ng kalooban. Ngayo’y mabilis ang paglipas ng oras. Mayuming hinihipa’t tinatangay ng hangin ang pagtakbo ng oras. Hindi mo mapigilan ang pag-ikot ng hintuturo ng orasan, gustuhin mo man. Sa paglipas ng buwan tanging ikaw pa rin ang naghahatid ng kakaibang saya. Tagumpay sa una mong pagngiti. Ang iyong unang paghakbang. Panahon ng iyong kakaiyak dahil sa pagtubo ng un among ngipin. “Mama! Papa!”. Ang una mong mga kataga.
“Bakit?” Ngayo’y tumitila na ang pagtagas ng iyong luha. Nagyo’y pasulpot-sulpot na pagtangis.
Nababakas mo ang larawan ng isang mag-ina. Hawak niya ang kamay ng kanyang supling. Ito kasi ang unaang pagtungtong niya sa paaralan. “Maaaaa!!! Ayoko… ayokong pumasok…mama. Mamaaa!” Humahagulgol ka.
Tuyo na ang mga luha. Mulat na mulat na ang mga mata sa gitna parin ng kadiliman. Ngayo’y medyo maingay na sa labas ngunit animo’y bingi ka pa rin sa katahimikan.
Iba ngayon ang pagtatapos. Iba ang ngiti ng iyong ina. Ngayo’y malayo ang kinaroroonan niya. Hindi tulad ng iyong pagtatapos noong ika’y nasa elementarya pa lang. Dati’y nasa harap ng entablado ang iyong ina. Punit ang bibig sa ngiti katabi ang iyong ama at ang binayarang kukuha sa’yo ng larawan. Sinenyasa kang ngumiti. ‘Di niya alintana ang pawis. Ang matinding sikat ng araw. Nagsisiksikang mga tao. Ngunit ‘eto ka na animo’y kinakahiya mo siya. ‘Di alam kung bakit. Basta ayaw mong Makita siyang tila nababaliw sa kasiyahan at sa pagmamalaki sa iyo. Masaya siyang Makita kang inihahakbang ang iyong mga paa bilang paghahanda sa pagtakbo sa mahabang daan na iyong tatahakin.
Bumibigat na ang iyong kalooban. Namumuo na naman ang butyl ng luha sa gilid ng iyong mga mata.
“Ano ba kayo! Tama na! Tumigil na kayo!” pakiusap ng iyong ina sa inyong dalawang magkapatid. “Eh ************ yan eh. Nagsisimila nanaman. ************!” bulalas mo. “************ ka rin!” bigkas naman ng kapatid mo. Ngayo’y pumuputok na sag alit ang iyong nararamdaman. Parang gusto mong ilampaso ang kanyang mukha sa sahig at murahin hanggang sa makalimutan nito ang kanyang pangalan.
Madilim.
Nagyo’y naaaninag mo ang iyong ina. “Bakit kayo ganyan. Dahl ba wala ang iyong ama? Masdan mo ang kapati mo?” Umiiyak siya’t hindi maipaliwanag ang mukha sa sakit na nararamdaman. “Bagong taon ngayon mga anak.” Ang kapatid mo nama’y hinahaplos ang kanyang mukha at umiiyak. At dali-dali kang lumabas ng bahay. Mabigat ang pakiramdam. Nanginginig ang mga kamay. Wari’y nagsisisi. Pero di mo na maibabalik ang nangyari.
“Mama…” nagyo’y marahang tumutulo ang luha.
Natagpuan mo nalang ang iyong sarili pauwi sa inyong bahay. Kakaiba ngayon ang himig at ihip ng hangin. Sa pagdaan mo sa kalye papunta sa inyo. Ang pakiramdam. Mabigat. Ngayo’y nabibigyan mo ng kwento ang bawat pagbagsak ng dahon ng bawat punong dinadaanan mo. Natatanaw mo na ang paliko sa dulo ng kalye. Doo’y matatanaw mo ang inyong bahay.
Umiiyak ka ngayon ng may pagsisisi. Humahagulgol. Mabilis ang pagpapalit-palit ng mga larawan.
Ngayo’y bumililis ang pagtibok ng iyong puso. Pawang gusto mo ng huminto ngunit ayaw maawat ng iyong mga paa. Nanlalamig ka na at namumutla.
Sa dulo ng daanan ay maliwanag.
Sa kabila ng liwanag ay ang inyong bahay.
May mga batang nagpapaputok ng payb star.
Ngunit wala kang marinig.
Ngayo’y marahan ka ng naglalakad papunta sa harap ng inyong bahay.
Nakatingin sa iyo ang iyong mga kapit-bahay.
Ang isa’y tumatakbo patungo sa iyo.
Umiiyak.
Tinatawag ka.
Ngunit di mo siya pansin.
Ang paningin mo lang ay nasa durungawan.
Sa kahong iyon. May mga nagsisiiyakan. May itim na tabing.
Maliwanag sa loob.
Ang aking inay… patuloy na ang pag-agos ng luha.
Nayo’y umaakyat na an gang mga kwitis sa langit. Naghahatid ng liwanag sa alapaap. Habang ang mga tao’y abala sa paghahanda sa medya notes, ika’y nasa isang sulok pa rin ng iyong silid. Nakatitig sa kawalan.
Maingay sa labas.. Inay…. |
2  :  1 | 66.7% AC
|
|
 |
|
|
Isang Araw ng Pamamalikmata
Vlad Gonzales
Isang karaniwang araw sa isang karaniwang unibersidad, sa isang pangkaraniwang klase, sa isang pangkaraniwang silid-aralan, bumisita ang isang Salamangkero. Salamangkero, iyon ang pagpapakilala niya sa sarili niya, pero walang sinuman sa loob ng pangkaraniwang silid-aralan ang naniwala sa kanyang pagpapakilala. Sa totoo lang, wala siyang espesyal na pisikalidad na magpapatotoong siya’y may kung anong mahika. At sa totoo lang, wala naman talagang pumapansin sa kanya, walang gustong makinig. Ang mahika’y isang malayong konsepto na para sa mga taong nasa silid, bukod pa sa nakalipas na ang maraming oras ng paglalabas-pasok sa napakaraming mga klase’t pagod na ang lahat para makinig o manood sa mga bagay na wala silang interes. Kung di pa naawa/ naintriga ang guro’y hindi na pinapasok ang bisita.
“Kumbinsihin mo kami.” Masungit ang tono ng isang estudyante. Tumango-tango ang guro’t mga kamag-aral.
Pinapikit ng salamangkero ang kanyang mga tagapanood. Pinapikit, ipinataboy ang liwanag sa mga mapanuring mata. Lumipas ang ilang segundo.
“Ngayon, kayo’y dumilat.” Malakas ang tinig-panggulat ng salamangkero. Dumilat ang lahat.
“Masdan ninyo, naglaho na mula sa mundo natin ang mga kaeskuwela ninyo.”
Tumingin-tingin sa paligid ang mga tagapanood. Pilit na tinandaan kung sino ang kanilang nasa kanan, kaliwa, harap, likod. Binalasa ng guro ang kanyang index cards, siniyasat ang listahan ng mga pangalan. Tila parang walang nawawala, parang wala namang pagbabago. Nagsisimula pa lang pumasok ang Hulyo, hindi pa kabisado ng bawat isa ang hubog ng mukha, amoy, pananalita’t porma ng kani-kanilang mga kasama. Pero nakasisiguro sila, walang sinumang kaibigan o kakilala ang nawala, walang anumang maliit na bakas ng pagbabago. Magkakasama pa rin sila’t isang malaking istorbo, isang malaking panloloko ang pag-aabang na makumbinsi ng bisitang Salamangkero.
“Nasasayang lang ang aming araw,” ang sabi ng isa.
“Walang pinag-iba sa napakaraming mga manloloko,” dagdag pa ng isa.
“Kung nagpatuloy na lang tayo sa ating leksyon, sana’y may natutunan pa tayo.”
Nauubos na ang pasensya ng mga tagapanood. Sumesenyas na sa kanyang relo ang guro. Muli, nakiusap ang salamangkero, isang sandaling pagpikit, at maipapakita niya, maipapamalas ng kanyang mahika ang totoo.
“Narito,” ang sigaw ng salamangkero pagkatapos ipabukas ang mga mata ng kanyang mga tagapanood, “narito ang inyong ama, ina, nobyo, nobya, asawa, kaibigan, kapatid, anak, narito ang lahat ng taong pinakaiingatan ninyo sa inyong mga kaloob-looban!”
Tatlong inuuod na katawan ang gumulat sa guro’t mga estudyante. Tatlong katawang batbat ng pagkaagnas. Tatlong piraso ng lamang sa pagkabulok ay wala nang pagkakakilanlan. Ang kataka-taka, walang anumang bakas ng nakasusukang alingasaw, walang tanda ng anumang baho ang mga nakatayong bangkay. Ang pagkagulat ay napalitan ng pagkainis, ng pag-uusisa.
“Aba, sino naman ang mga ito? Wala sa wangis nila ang kahit na sinong kakilala ko!”
“Walang amoy, wala na ring mata, ilong, wala nang hubog ang katawan! Baka halimaw o demonyo!”
“Oo, demonyo! Isang ilusyon! Isang panloloko!”
Biglang naglaho ang Salamangkero, kasama ng tatlong katawang inuuod. Kasabay ng kanilang pagkawala ang paglalaho ng kanilang alaala mula sa isip ng guro’t mga mag-aaral. Nagpatuloy ang klase sa kanilang leksyon, nagpatuloy sa pag-usad sa kanilang araw. Isang pangkaraniwang araw, isang mahaba, nakababagot, isang paulit-ulit na karaniwang araw. Samantala, sa isang tagong lugar sa unibersidad, nabuwal ang isang matandang puno. Walang sinumang nakarinig sa pagbagsak, walang sinumang nakakita ng pagkakalaglag.
http://pinoyhenyo.com/halimbawa_ng_mga_maiikling_kuwento-200... |
2  :  0 | 100% AC
|
|
 |
|
|
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.
Mga Uri
1. Kwento ng Tauhan - ang inilalarawan ay mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay - sa kwentong ito binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Kwentong Bayan - sa kwentong ito pinaguusapan ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan na pinag-uusapan ng boung bayan.
4. Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan dito ang mga kwento na di kapanipaniwala.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kwento |
1  :  1 | 50% AC
|
|
 |
 |
 |
 |
|
|
Mga Uri ng Kwento
1. Kwento ng tauhan o pantao – nangingibabaw sa kwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.
Hal. Tata Selo, Impong Sela, Kwento ni Mabuti
2. Kwento ng banghay omakabanghay – ang pangyayari sa loob ng kwento, ang banghay, ang siyang nangingibabaw, sapagkat dito nasasalig ang magiging katayuan o kalagayan ng mga tauhan. Ang pangyayari sa kwento’y dapat na magkasunud-sunod na may pinakamataas na antas na tinatawag na kasukdulan.
Hal. Humarap si Dinong sa Diyos
3. Kwento ng katutubong-kulay – nangingibabaw rito ang paglalarawan ng isang tiyak na pook; ang anyo ng kalikasan doon at ang uri, pag-uugali, paniniwala, pamumuhay, pananamit, at pagsasalita ng mga taong naninirahan sa pook na iyon.
Hal. Suyuan sa tubgan
4. Kwento ng kapaligiran – kwentong ang paksa ay mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan. Hindi lamang bagay na nadarama ang sumasakop dito kundi damdaming namamayani sa isang katha.
5. Kwento ng pag-ibig – ang galaw ng kasaysayan ay umiikot sa pag-ibig, kaya ang paglalahad sa iba mga sangkap ng kwento ay madalian, mababaw at hindi kapuna-puna.
6. Kwento ng kababalaghan – naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip. Ang ganda ng ganitong uri ng kwento ay nasa pananabik na malaman kung paano malutas o maipaliliwanag ng bayani ang kababalaghang naganap.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Ang Mga Maikling Kwento
E.L. Minell
Matatagpuan po ito sa website na:
http://www.kwento.cjb.net o kaya'y
http://www.mgamaiklingkwento.blogspot.com
----------------------
E.L. Minell |
0  :  0 | 0% AC
|
|
|