Open Question |
|
|
Maikling talumpati?
Answered Question - 34547 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers: |
 |
|
|
Alingawngaw ng Panaginip
Eboy Cornejo
Ipinapalagay ko na kailangan ng ating mga ninuo ang pag-aalingawngaw ng kanilang boses upang malaman nilang kahit pa kunwari lang ay hindi sila nag-iisa. Patunay iyon na sila ay buhay at kinatha ng sarili nilang isip. Echo na siyang nagpapadaling isunod ang hakbang o maging anumang kilos mula sa lumipas na posisyon, dahil upang malaman ng tao na siya�y may nilalandas, kailangan niyang diinan pa ang kaniyang yapak. At pag madiin na ang kaniyang yapak, hudyat iyon upang kumilos pasulong.
Para sa modernong taong hindi na nagtatago sa kuweba ng sinaunang panahon, umaalingawngaw pa rin ang bakas ng kanilang danas sa pamamagitan ng pagkukwento. Maaaring mag-iwan ng marka ang daliring dumaan ngunit, hindi ito makapagpapakita ng pinagdaanan at tataluntunin pa ng daliring dumapo. Nasasakripisyo ang nararapat na textura hindi lamang ng pandama, kung hindi rin ng interpretasyon. Interpretasyon na maaaring sa haba ng panahon ay walang pagbabago.
Masasabi ko ba ngayon na napakaswerte ko na at ako ay may trabaho, nakapagtapos ng pag-aaral at itinaguyod nang maayos ang pamilya, na kahit noon ay nakaranas ng kahig isang tukang pamumuhay. Siguro hindi. Kahit naman sino ay maaari mangyaring rin sa kanya ang mga ito.
Isang araw, alas otso ng umaga na ako nakauwi sa bahay galling trabaho. Dahil sa pagod, bagsak agad ang katawan ko sa higaan.
Sa isang sulok ng madilim na lugar, isang bata ang aking nakita. Batang kakakitaan ng bakas ng poot, galit at hinanakit sa kaniyang mukha at damdamin.
Hindi lang ito ang unang beses nakita ko ang batang iyon. Hindi ako nagkakamali, siya ang batang nakatira sa bahay na barong-barong na nasa gilid ng kalye ng baryo namin noon. Isang bahay na maingay, magulo at nakakatakot. Siya ay may pamilyang hindi nagkakasundo, laging nag-aaway at sila ay watak-watak. Siya ang bata na nakaupo sa gilid ng kanilang bahay. Tahimik, nakatulala, at parang may ikinukubli na kung ano. Hindi ko maintindihan. Hindi ko malaman.
Nilapitan ko siya. Nalaman ko ang kaniyang kuwento nang magsabi siya sa akin. Apat silang magkakapatid. Panganay siya sa magulang na hiwalay na hindi pa nakakapag-usap nang harapan. Naipapadaan ng kaniyang mga magulang ang habilin at hinanakit para sa isa�t isa sa kanya.
Noong apat na taong gulang pa lamang siya, madalas na pagkatapos maghapunan ay nagbabatuhan na ang kanyang mga magulang ng mga pinagkainang plato. Hindi naman siya natatamaan ni mariringgan ng pagtutol. Andun lang siya sa likod ng pinto, nanonood sa paghampas ng bubog sa sahig. Wala siyang magawa, hindi man lang niya sila maawat. Sa sinabi niyang ito, bigla kong nadama ang galit niyang tumagos sa buto�t laman ko.
Sa likod ng pintong nagugurlisan ng paghampas ng mga plato ay ang murang pag-asam para sa mapayapang kahinatnan. Hindi man ito nakukwento sa mga kalaro o naipanghehele sa nakababatang kapatid, isa pa rin itong pagpapasuko sa kanilang mga lumalaban. Siya ang pintong hindi nila namamalayang nananatiling nakatindig, nilalabanan ang naidudulot nilang pagguho, bilang pangongonsensya. Ngunit sa tagal ng panahon, sa dami ng mga platong naubos, at pag-uulit ng mga maaanghang na salita, wala sa kanilang nakaramdam. Hindi nila nakikita ang pintong kanilang namarkahan ng mga alingawngaw ay tumatanda, lumalaki at nagkaka-isip.
Hindi ako nag-iisa sa aking problema, may kasama ako. Maaaring ikaw, siya at sila na may kinikimkim ring galit. Hindi lang ako ang nakararamdam ng sakit. Marami kami, hindi lang ako, pati ang nakita ko. Lahat kami ay nakaranas ng magulong mundo. Kaya hindi kataka-taka na marami sa amin ang napapariwara at nagrerebelde. Ngunit hindi lang ito ang paraan para makabangon: magsumikap, magsipag, mag-aral ng mabuti. Iyan ang dapat gawin. Kaya kung ikaw man ay isa sa amin, tumayo ka, �wag mawalan ng pag-asa, hindi ka nag-iisa.
Mula sa dilim, nabasag ako ng katahimikan na dati ko pang ikinukubli, kasabay ng pagkabasag ng batang aking nakita sa dilim. Nawala siyang parang bula, kasabay ng pagkamulat ko sa dilim ng nakaraan. Sa aking pagdilat, liwanag at katahimikan ang aking nasilayan.
Mga istorya ito ng mga kabataang napapariwara ng landas at tumatakas mula sa pananakal ng mga magulang at pamilya. Takot harapin ang katunayang wala nang mababalikang buo at mapayapang pamilya. Wala kasing hirap ang pag-abswelto sa winasak na pagkabata, lalo na sa panahon ng pagbalik-tanaw at sa pagbigay ng interpretasyon nito.
Naisasalba ang gunita, ngunit ang sakit ng alaala ay mananatili sa isip na sariling pamilya ng may likha.
Ako ang batang nalugmok sa dilim. Ako ang batang may kinikimkim na hinanakit. Hinanakit na kailan man ay hindi ko mawawaglit.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Alalahanin ang Laro ng Lahi
Emmanuel Joseph Sumatra
Kabilugan ng buwan, maraming mga batang nagkalat sa daan. Laro dito, laro doon. At pagsapit ng umaga, mga bata’y nagkalat na. Hanap dito, hanap doon. Sa pagdating ng hapon, nagkakagulo sa nayon. Sabi raw ay may piyesta roon, kaya mga bata’y naroon.
Kaysarap alalahanin ng mga alaalang dating naging atin. Mga larong may pagkakaisa, larong pinagbuklod ang ating lahi ang ipinapakita.
Hindi gaya nang dati, umaga pa lang, mga bata’y nagtataya-tayaan na. Hanggang tawagin sapagkat kainan na. Lingon dito, lingon doon, tagu-taguan na naman sa dapit hapon. Kapag may piyesta, palosebo ay sikat na sikat na. Sa mga laro sa paaralan, patintero, sipa’t takraw at sipa ay laging nandiyan.
Ngunit, nasaan na ito ngayon? Tuluyan na nga bang nilamon ng modernisasyon? Laro ng lahi ay natabunan, ng mga laruang walang katotohanan. Nagkalat diyan ang mga computer na may laro pa at Friendster. Samahan pa natin ng mga Play Station, Cellphone at MP3, kung saan sarili mo lamang ang ikinukubli. Halos tayong lahat na ay nalamon ng pantasya sa mga larong ngayon ay isa-isa. Hindi gaya ng dati, tayo ay sama-sama. Laro ng lahi nasaan ka na?
Kilala tayong mga Pilipino sa pambihirang pagkakaisa, nagtutulungan, at sama-sama. Naging tulay natin ang mga larong ito upang makilala tayo sa buong mundo.
Hahayaan na lang ba nating malamon tayo ng modernisasyon at ang tunay na kultura ng mga Pilipino ay tuluyan nang mabaon?
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Jose Rizal o Andres Bonifacio?
Elyboy Estoque
Natitiyak kong ang isyung ito ay pangkaraniwan na lamang sa pandinig sa karamihan sa ating mga Pilipino. Ito kasi ang kasalukuyang aralin namin sa History. At tulad ng karamihan sa ating mga Pilipino, nais ko ring malinawan sa kung sino ba talaga ang tunay at karapatdapat na maging Pambansang Bayani.
Para sa akin, sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ay kapwa karapat-dapat na maging pambansang bayani. Pareho sila ng prinsipyo at hangarin � ang ipaglaban ang karapatan nating mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng ating inang bayan.
Base sa mga narinig ko, marami sa kanila ang nagsasabing si Andres Bonifaco ang karapat-dapat na hiranging pambansang bayani sapagkat talagang lumaban siya at nagbuwis ng dugo. Kung babasahin natin ang kwento ng �Sigaw sa Pugadlawin� masasabi nating, handa talaga si Bonifacio na ibuwis ang kanyang buhay alang-alang sa ating bayan. At si Rizal ay walang ginawa kundi ang magsulat.
Subalit � hindi naman sa pinapanigan ko si Rizal � di ba sa mga sulat ni Rizal, namulat ang Pilipino sa katotohanang masasama ang mga Kastilang sumakop sa ating bayan? Kung titingnan natin sa kabuuan, ang pakikipaglaban ni Rizal ay kakaiba sa lahat ng mga bayani. Karamihan sa ating mga bayani ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng madugong labanan, subalit si Rizal ay nakikipaglaban sa mapayapang paraan.
Sa nabasa kong aklat na pinamagatang �Rizal without the overcoat� ni Ambeth R. Ocampo isa sa mga sulat ni Rizal ay ganito ang sinabi:
The step that I have taken, or am about to take is undoubtedly very risky, and it is unnecessary to say that I have pondered on it a great deal. I know that everyone is opposed to it, but I also realize that no one knows what goes on in my heart. I cannot live knowing that many are suffering unjust persecution because of me. I prefer to face death and gladly give my life to free many innocent persons from this unjust persecution.
Sa sulat na ito, makikita natin na tulad ng ibang mga bayani, si Rizal din ay handang ibuwis ang kanyang buhay para makamit ang kalayaang ating inaasam-asam.
Para sa akin, ang pagpili o para tawagin kang isang bayani, hindi lang dapat gawing basehan kung ang isang tao ay sumabak sa isang madugong pakikipaglaban; hindi lang sa katapangan � kundi gawin din nating basehan ang isang prinsipyong �lumaban nang walang dugong aagos.�
Kung sino man para sa inyo ang tunay na bayani, karapat-dapat sila dahil, sila ang nais ng puso at isip ninyo. Kaya si Rizal man o si Bonifacio ang pambansang bayani � silang dalawa ay parehong karapat-dapat.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot." Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito'y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati'y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama'y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.
|
0  :  1 | 0% AC
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
writer
Level: Matalino
Rating:

Offline |
 |
|
attorney
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|