Friday 30 July 2010 : 06:41:03 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Miscellaneous / Others
Open Question
    
ChesterBarklight
Level: Baguhan
Rating:

Maikling Kwento?

Kahulugan, Bahagi, Uri, Sangkap at Elemento

Answered Question - 18787 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
1. Kahulugan
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, ito'y isang paggagad ng realidad. Sa maikling kwento, ang ginagagad ay iyong isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan. Itoy nag-iiwan ng isang kakentalansa sa isip ng mga mambabasa, pangunahing layunin nito ay manlibang

2. Bahagi at Sangkap

1.SIMULA
a.) Mga Tauhan -- dito nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suporta.

b.) Tagpuan -- dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

c.) Suliranin -- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. GITNA
a.) Saglit na Kasiglahan -- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

b.) Tunggalian -- bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.

c.) Kasukdulan -- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. WAKAS
a.) Kakalasan -- bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

b.) Katapusan -- kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa dalawang huling nabanggitna sangkap. Minsan ay hinahayaan ng may-akda na mabitinang wakas ng kuwento at ang mambabasa ang hahatol o magpapasya kung ano sa palagay niya ang maaring kahihinatnan ng kuwento.

3. URI
Kwento ng Tauhan - ang inilalarawan ay mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa.

Kwento ng Katutubong Kulay - sa kwentong ito binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Kwentong Bayan - sa kwentong ito pinag-uusapan ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan na pinag-uusapan ng buong bayan.

Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan dito ang mga kwento na di kapanipaniwala.


http://pinoyhenyo.com/answers-20080715142855427.html
0 : 1 | 0% AC
Ang maikling kwento - binaybay ding maikling kuwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Bilang isang masining na panitikan, naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Mga bahagi

Ang kasukdulan ang bahagi ng maikling kwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa.
Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Matatapos basahin ang maikling kwento sa isang upuan lamang. Maaari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay-buhay ng isang tao. Bagaman mayroon namang kathang isip lamang. Umiinog ang maikling kwento sa mga pangyayari tungkol sa buhay ng mga pangunahing tauhan.

Mga uri

May siyam na uri ng maikling kuwento:

* Sa kwento ng tauhan inilalarawan an mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
* Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
* Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
* Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
* Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
* Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
* Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
* Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
* Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.


http://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
0 : 0 | 0% AC
Tema

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging mga sumusuno ang tema: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga elemento

Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.


http://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
0 : 0 | 0% AC
Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikang masining na naglalahad ng isang pangyayari. Ang maikling kwento, di tulad ng nobela'y hindi kahabaan, higit na kakaunti ang mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit na matipid sa paggamit ng pananalita.



MGA BAHAGI AT SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO:

1.SIMULA

a.) Mga Tauhan -- dito nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papael na gaganapan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suporta.

b.) Tagpuan -- dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

c.) Suliranin -- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. GITNA

a.) Saglit na Kasiglahan -- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

b.) Tunggalian -- bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.

c.) Kasukdulan -- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. WAKAS

a.) Kakalasan -- bahagingh nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

b.) Katapusan -- kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa dalawang huling nabanggitna sangkap. Minsan ay hinahayaan ng may-akda na mabitinang wakas ng kuwento at ang mambabasa ang hahatol o magpapasya kung ano sa palagay niya ang maaring kahihinatnan ng kuwento.



halimbawa ng maikling kuwento.

Ang mga Bobo ay Yaong mga Nagsisikap na Magpakamangmang

SI JOSE ay gradweyt ng Peyups. Isa siyang matalinong bata, gaya ng ibang estudyante sa unibersidad na iyon. Isang araw, nakita niya ang isang dating kamag-aral na si Edgar, isang big time na programmer sa isang sosing kumpanya sa Makati.

“Uy, Jose! Kumusta na?” bati ni Edgar

“Ito, ok lang. Ikaw?” sagot ni Jose.

“Ayos lang, pare! Medyo hassle lang kasi nasira auto ko’t
kelangang kumpunihin sa talyer.”

“Buti ka pa. Ako wala pang pambili ng kahit scooter man lang.”

“E kasi nag-resign ka pa dun sa pinapasukan mo dati e.”

“Honga e. Shet.”

Biglang may umepal na isa pa nilang kaklase, si Rodrigo. Isa sa pinaka-maangas sa block nila dati itong si Rodrigo. Ma-chicks. Kahit medyo hindi ganun katalinuhan e medyo habulin pa rin.

“Uy, mga dudes! Namputsa! Kamusta na kayo?” bati ni Rodrigo.

“Okey lang,” pasabay na sagot nila Jose at Edgar na parang nag-duet.

“Balita ko e big time na raw kayo! Libre naman dyan!” banat ni Rodrigo na may halong pang-aalaska

“Si Edgar lang,” pa-humble-epek na sagot ni Jose

“Bakit pre, ano ba trabaho mo?”

“Tech Support Agent, pre.”

“Ano ginagawa dun? Tunog astigin a.”

“Sa call center yun, pare. Tumatanggap ako ng tawag mula sa mga…”

“Tangina! Call center?! Antali-talino mo, pare, sa Peyups ka pa grumadweyt tapos pambobo yung trabaho mo! Tangina, pare! Nagpapaka-bobo ka na ba ngayon?! Nakakahiya naman, pre! Hahaha! (Ubo! Ubo!)” buong gilalas na hirit ni Rodrigo.

“Uy, pare, sobra ka naman! Hindi naman ganun yun! Mahirap ata ang trabaho sa call center baka akala mo…” pagtatanggol ni Edgar sa inapi-aping si Jose.

“Tama. Hindi naman pambobo yun, pre. Mahirap ding trabaho dun,” sagot ni Jose na halos pabulong, “teka nga, ano nga pala trabaho mo’t anlakas mong makapang-alaska dyan?” dagdag niya.

Sumagot si Rodrigo, “ako? Ah, eh… hindi pa ko gradweyt e. Pero pag-grumadweyt ako e sisiguraduhin kong big time din ang tra-”

“E putangina mo palang pukinanginangbwakanangpakingshet ka e! Wala ka pa palang trabaho e napakalakas mong mang-alaska diyan! Bago ka manlait dyan e siguraduhin mo nang hindi ka na palamunin sa bahay niyo, putangina ka!!!” buong galit na bulalas ni Jose na halos malagutan nang hininga sa galit.

“Ah, eh… basta ako pagka-gradweyt ko hahanap ako nang malupit na trabaho. Hindi sa call center!” bwelta ni Rodrigo, na nagba-blush na parang nakakita ng multo.

“Syadap! Sinabi ko rin dati yan. Siguraduhin mo lang talaga na hindi ka magko-call center, kundi’y tatawanan kita at yuyurakan na parang tae, putangina kang hayup ka! Pwe!” kontra-hirit ni Jose.

“Hoist! Tama na yan mga dudes! Toma na lang tayo, sagot ko! Para namang wala tayong pinagsamahan niyan e. Taralets!” awat ni Edgar, sabay kaway ng taxi.

(At tumoma na nga lang ang tatlo’t medyo nagka-sorihan at nagkalamigan rin ng ulo. Baydawey, medyo minalas pa si Rodrigo ng sem na yaon dahil na-incomplete siya sa EEE9 at binagsak siya ng tabatchoy na prof niya sa CS131 kaya na-delay pa nang isang taon ang mga pangarap niya. Nagbabalak siyang mag-audition sa Pinoy Big Brother pagka-gradweyt niya. Big time ini, sa isip-isip niya.)

author:Patrick Orquia



0 : 0 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Academic
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
gkumar
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
soni1
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cracklings
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang batas moral?

Q: bakit mahalaga ang papel?

Q: sino ang nakakaalam ng stationery na pang housekeeping?

Q: AY NAKO.. BAKIT GANITO TONG SITE NATO SAYANG LANG MGA NIRERESEARCH NMIN SA MGA MATITINONG TANONG.?

Q: bat nung nauso ang jejemon nawala na ung mga hehemon?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.