Wednesday 17 March 2010 : 07:03:37 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Sports and Leisure / Sports
Open Question
    
belle8088@yahoo.com
Level: Baguhan
Rating:

Kailan pinanganak si Efren Bata Reyes Jr?


Ano ang talambuhay ni Efren "bata" Reyes Jr

Answered Question - 8115 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Itinaas ni Efren "Bata" Reyes ang kalidad at pamantayan sa paglalaro ng bilyar sa buong mundo, nangibabaw sa malalaking paligsahang internasyonal, ngunit nanatiling mapagkumbaba, maginoo, at higit sa lahat, tunay na Filipino.

Isinilang si Reyes noong 26 Agosto 1954 sa Mexico, Pampanga at panlima sa siyam na magkakapatid. Nagmula siya sa dukhang pamilya, at ang kaniyang ama ay barbero ang trabaho. Dahil sa kahirapan, si Reyes ay ipinadala ng kaniyang ama sa Lungsod Maynila upang magtrabaho sa kaniyang tiyo. Mulang edad walo ay naging laman ng bilyaran si Reyes, at nagsimulang humawak ng tako pagtuntong ng edad siyam. Hindi maglalaon ay matututo si Reyes, at gaya sa bilyar, ay sasarguhin ang mga kalaban at uuwing hitik sa salapi ang bulsa makaraang magwagi sa mga pustahan.

Dumating ang yugtong kailangan niyang matulog sa mesa, at mangarap na maging kampeon, habang yakap-yakap ang tako. "Kapag nakatulog ako sa mesa, nananaginip ako ng bilyar," ani Reyes. "Natutuhan kong magbilyar mula sa aking mga panaginip."

Tinangay si Reyes ng kaniyang mga barkada at naglibot sa iba't ibang lalawigan upang makipaglaban ng bilyar. Tumanyag ang kaniyang pangalan, at hinamon siya kahit ng mga sundalo sa Clark, Pampanga at Subic, Olongapo. Nagkamal siya ng salapi, at nang lumaon, tumanggi nang lumaban ang mga kapuwa niya Filipino dahil labis umano siyang mahusay. "Noong nasa edad 18-20 ako," sambit ni Reyes, "walang makatatalo sa akin. Alam kong ako ang pinakamagaling na manlalaro noon kahit sa buong daigdig."

Nagsimulang magbago ang karera ni Reyes nang magtungo siya sa Estados Unidos upang lumahok sa mga paligsahan doon. Noong una'y ginamit niya ang pangalang "Cesar Morales" sa pagnanais na ikubli ang tunay na katauhan. Hindi maglalaon ay gagapiin niya ang mga kalaban, at mag-uuwi ng 8 libong dolyar mula sa pagwawagi. Mulang 1985 hanggang 2007, nakalikom si Reyes ng 75 kampeonato. Higit pa rito, ginawaran siya ng Philippine Legion of Honor, Philippine Order of Lakandula "Champion for Life Award," Outstanding Filipino Awardee of the Jaycees, Philippine Sportswriters Association "Atleta ng Taon," Billiard Congress America Hall of Fame (2003), at One-pocket Hall of Fame (2004).

Dalubhasa si Reyes sa 9-balls, 8-balls, at lumalahok kahit sa mga larong gaya ng straight pool. Dahil sa kaniyang katanyagan, kinuha siyang mag-endoso ng alak at serbesa, at lumabas sa pelikulang Pakners na tinampukan ng Fernando Poe Jr., ang tinagurang "Hari ng Pelikulang Filipino."

Naging kabalikat ni Reyes si Jose Puyat na naging isponsor niya sa mga paligsahan sa iba't ibang bansa. Nakatulong naman si Reyes upang maipakilala ang mga negosyo ng pamilyang Puyat mulang Filipinas hanggang ibayong dagat. Ang gayong samahan, wika nga, ay pambihira't tila pinagtagpo ng tadhana upang umugit ng sobrenatural na tagumpay.


http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Efren_%22Bata%2...
0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jperana
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jessie1309
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Online
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: What Team is the 2008 FIFA World Cup Champion?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.