Open Question |
|
|
HALIMBAWA NG MGA ALAMAT SA PILIPINAS
?
ALAMAT
Answered Question - 72537 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers: |
 |
|
|
ALAMAT ng DOG (ASO)
May isang hayop naglalakad, tapos nauntog "dog"
kaya mula noon tinawag na syang dog.
:)
|
1  :  0 | 100% AC
|
|
 |
|
|
BAKIT MAALAT ANG DAGAT?
Si Angalo ay isang higanteng mahal ng mga tao sa kanilang nayon sapagkat siya'y mabait at matulungin. Isang araw, ang mga tao ay sumakay sa mga bangka at nagtungo sa kabilang ibayo ng dagat upang bumili ng asin. Pabalik na sila sa dalampasigan nang masalubong nila si Angalo. Itinanong ng higante kung saan sila nanggaling at ano ang kanilang mga dala. Sinabi ng mga tao na bumili sila ng asin.
Iminungkahi ni Angalo na huwag na silang magsisakay sa mgha bangka at nang mapadali sila sa pag-uwi. Hihiga raw siya sa dagat at gawing tulay ng mga tao ang isa niyang binti. Tuwang-tuwang sumang-ayon ang mga naroon. Humiga na ang higante sa dagat at nagsitulay na sa kanyang binti ang mga tao. Nang nasa gitna na ng dagat ang mga tao ay kinagat ng mga langgam ang talampakan ni Angalo. Makating-makati na at masaki na masakit ang mga kinagat ng mga langgam kaya pinagsabihan ng higante ang mga tao na magmadali at hindi na niya matiis ang nararamdaman niyang pangangati.
Nagmadali ang mga tao ngunit sila'y nasa kalagitnaan pa lamang ng binti ni Anggalo. Hindi na natiis ni Angalo ang masidhing pangangati ng kanyang talampakan. Kumilos siya upang kamutin iyon kaya't nahulog sa dagat ang mga tao, dala-dala ang binili nilang asin. Natunaw ang mga asin nang mahulog sa dagat kaya't iyon ang dahilan kung bakit naging maalat ang dagat.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Alamat ng Ibong Maya
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.
http://www.seasite.niu.edu/TAGALOG/Other_Language_Activities...
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Alamat ng Pinya
Noong araw, may isang batang lumaki sa layaw. Pinang ang kaniyang pangalan. Mahal na mahal siya ng kanyang biyudang inang si Aling Rosa. Kahit mahirap lang sila, pinilit ni Aling Rosa na ibigay ang lahat ng hiling ng anak kung kaya't lumaki si Pinang na tamad at may katigasan ang ulo.
Isang araw, nagkasakit si Aling Rosa. Nang siya ay nakaramdam ng gutom ay pilit siyang bumangon. Subalit hindi nakayanan ng nanghihina niyang katawan kaya't tinawag niya si Pinang na noo'y nakikipaglaro lang sa mga kapitbahay. Inutusan niya itong magluto ng lugaw. Ipinaliwanag ng ina kung paano magluto ng lugaw. Pagkatapos ay padabog na tumalilis patungong kusina si Pinang.
Sa kusina, padabog na hinanda ni Pinang ang kalan at kaldero. Nang hindi makita niya ang bigas, mabilis itong bumalik sa kuwarto ni Aling Rosa at padabog na tinanong kung saan naroroon ang bigas. "Nasa loob lang ng sako sa tabi ng kalan," tugon ng hapong-hapong ina.
Kunot-noong bumalik si Pinang sa kusina at kumuha ng kalahating gatang ng bigas. Dali-dali niyang nilagay and bigas sa kaldero, tinubigan at isinalang sa kalan. Pagkatapos ay bumalik si Pinang sa pakikipaglaro sa mga kapitbahay.
Muling tinawag ni Aling Rosa ang anak ng marinig niyang kumukulo na ang lugaw. Mabigat sa loob na umuwi si Pinang. Hahaluin na sana nito ang lugaw nang hindi niya mahagilap ang sandok.
Ginising niya ang natutulog na ina at pasigaw na tinanong kung nasaan ang sandok. Nayamot si Aling Rosa sa anak at nagwikang "Bakit kasi parating bibig ang ginagamit mo sa paghahanap. Sana'y tubuan ka ng napakaraming mata para madali mong mahanap ang mga kagamitan."
Tumugon si Aling Rosa at padabog ulit na bumalik si Pinang sa kusina. Hindi na nakarinig ng anumang reklamo mula kay Pinang si Aling Rosa hanggang sumapit ang gabi.
Kinaumagahan, gumaan ang pakiramdam ni Aling Rosa. Dagling hinanap niya si Pinang ngunit hindi niya ito nakita kahit sa mga kapitbahay. Habang nagwawalis ng bakuran, napansin niya ang isang kakaibang halamang may dilaw na bunga. Ang bunga ay hugis ulo at napapalibutan ng mga hugis mata. Naalala niya ang sinabi niya sa anak noong may sakit siya. Ito na nga kaya si Pinang? Siya na nga kaya ang kauna-unahang pinya?
http://alamat101.blogspot.com/search/label/pinya
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Bakit Nasa LAbas Ang Buto Ng Kasoy?
Noong unang panahon, katulad ng ibang prutas, nasa loob din raw ng bunga ang buto ng kasoy. Subalit ayon sa sabi-sabi mainipin daw ang buto nito.
"Ang lungkot naman dito, nakakainip. Gusto kong lumabas. Gusto kong makita ang kagandahan ng kapaligiran," wika ng buto ng kasoy.
Narinig ito ng Diwata ng Kagubatan. "Nais mo ba talagang makita ang kariktan ng kapaligiran? Gusto mo bang lumabas sa iyong bunga?", ana ng Diwata.
"Opo, Inang Diwata, gusto ko po sana, kung iyong mamarapatin," pahayag ng mainiping buto.
"Maganda nga sa labas ngunit ito'y mapanganib. Kaya mo bang harapin ang init at lamig sa labas? Mababasa ka pag bumuhos ang ulan. Mahihirapan kang makakita pag sapit ng gabi. Mas komportable at tahimik sa loob ng iyong bunga," paliwanag ng Inang Diwata.
"Opo. Kakayanin ko po, basta't makita ko lamang ang nasa labas," panindigan ng makulit na buto.
"O siya. Maari kong pagbigyan ang iyong hiling, subalit hindi ko na maari pang bawiin ang aking mahika. Hindi ka na maari pang bumalik sa loob," kundisyon ng Diwata.
"Sige po. Hindi ko po hihilinging makabalik pa ulit sa loob ng bunga ko," pangako ng buto.
Kumumpas ang Inang Diwata. Namulat ang buto ng kasoy sa kagandahan ng kapaligiran. Galak na galak ang buto sa kanyang nakita. "Hindi ko akalaing ganito pala kaganda ang mundo. Salamat Inang Diwata, pinasaya mo ako ng lubos," tuwang sambit ng buto.
"Walang anuman, mahal na buto. Tandaan mo lang ang iyong pangako," sambit ng Diwata at naglaho.
Magdamag na nagmasid ang buto habang nakatungko sa ulunan ng kanyang bunga. Nang unti-unting dumilim ang paligid, nakaramdam ng pangamba ang munting buto. Nangutim ang mga ulap, nagbabadya ng mabigat na pag-ulan. Nagpalitan ng galit? ang kulog at kidlat.
"Inaykupo. Bakit nagging ganito? Nakaktakot pala ditto. Gusto ko nang bumalik sa loob. Brrrr. Nanlalamig na ako," nanginginig na saklolo ng buto. Naisip niyang tawagin ang Inang Diwata upang humingi ng saklolo. Subalit naalala niya ang pangako niya sa Diwata na hindi na siya maari pang humiling na makabalik sa loob.
"Tama nga ang Inang Diwata. Sana'y hindi na ako nagmatigas na masunod ang gusto ko," malungkot na wika ng nanlulumong buto.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
gkumar
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
soni1
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
writer
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|