Friday 30 July 2010 : 06:29:07 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
TearGrants
Level: Bibo
Rating:

Ano ang mga uri ng kwento?

Answered Question - 6452 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Mga Uri ng Kwento

1. Kwento ng tauhan o pantao – nangingibabaw sa kwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.
Hal. Tata Selo, Impong Sela, Kwento ni Mabuti
2. Kwento ng banghay omakabanghay – ang pangyayari sa loob ng kwento, ang banghay, ang siyang nangingibabaw, sapagkat dito nasasalig ang magiging katayuan o kalagayan ng mga tauhan. Ang pangyayari sa kwento’y dapat na magkasunud-sunod na may pinakamataas na antas na tinatawag na kasukdulan.
Hal. Humarap si Dinong sa Diyos
3. Kwento ng katutubong-kulay – nangingibabaw rito ang paglalarawan ng isang tiyak na pook; ang anyo ng kalikasan doon at ang uri, pag-uugali, paniniwala, pamumuhay, pananamit, at pagsasalita ng mga taong naninirahan sa pook na iyon.
Hal. Suyuan sa tubgan
4. Kwento ng kapaligiran – kwentong ang paksa ay mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan. Hindi lamang bagay na nadarama ang sumasakop dito kundi damdaming namamayani sa isang katha.
5. Kwento ng pag-ibig – ang galaw ng kasaysayan ay umiikot sa pag-ibig, kaya ang paglalahad sa iba mga sangkap ng kwento ay madalian, mababaw at hindi kapuna-puna.
6. Kwento ng kababalaghan – naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip. Ang ganda ng ganitong uri ng kwento ay nasa pananabik na malaman kung paano malutas o maipaliliwanag ng bayani ang kababalaghang naganap



0 : 0 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
gkumar
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
soni1
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cracklings
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang pamayanang komersyal?

Q: kasingkahulugan ng bida?

Q: magbigay ng limang pyesa sa oration tungkol sa nutrisyon?

Q: guys si Manuel L. Quezon ba ay mayroong sariling tula tungkol sa kahulugan ng wika?

Q: sino si patis tesoro?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.