Open Question |
|
|
10 halimbawa ng salawikain at sawikain sa paksang pamilya,edukasyon,kalikasan,kalusugan,kapaligiran.?
10 halimbawa bawat paksa ng salawikain at salawikain.
maraming salamat sa makapagbibigay ng sagot
sa katanungan ko.
kailangan ko lang sa filipino.
Answered Question - 88905 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers:
|
 |
|
|
Ang mga salawikain o kawikaang Pilipino ay mabuting hanguan ng impormasyon hinggil sa matatandang kaugalian,paniniwala, asal, at gawi.
mga halimbawa:
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid,
maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod
magtipon, walang
hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dala
hanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalita
ay siyang kulang sa gawa.
Daig ng maagap ang
taong masipag.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y
iba ang kumain.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos
nakatunganga.
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Homepage99/tagalo... |
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Ang Tagalog ay mayaman sa mga sawikain. Ang sawikain ay mga salita o pagpapahayag na karaniwang
ginagamit sa araw-araw.
Ang mga pagpapahayag na mga ito ay nagbibigay, hindi ng tiyakang kahulugan ng bawat salita, kundi ng ibang kahulugan.
mga halimbawa:
anak-dalita -- mahirap
alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang
balitang kutsero -- hindi totoong balita
dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal
halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao
sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan
kusang palo -- sariling sipag
mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho
malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya
isulat sa tubig -- kalimutan
mahabang dulang -- kasalan
mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/tag... |
0  :  0 | 0% AC
|
|
|
|
Related Questions:
ano ang layunin, kalikasan, tungkulin at 2 uri ng pamilya?Ano ba ang mga sawikain bilang kampanya sa bantay kalikasan?tiglilimang halimbawa ng salawikain, sawikain, sabisabi, kasabihan, tanaga
puwede magbigay kayo ng halimbawa ng sawikain na tungkol sa kalikasan?ano ang kahulugan ng salawikain,sawikain,at bugtong
ano ang kahulugan ng sawikain,salawikain,bugtong,epiko at pamahiin
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
cklaighe
Level: Matalino
Rating:

Offline |
 |
|
jac
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|